728x90 AdSpace

Latest News

Thursday, 22 June 2017

DOH: Kaso ng HIV sa bansa tumaas

HIV/AIDS infection in the Philippines is low but growing. The current incidence of HIV/AIDS in the country remains 0.1% of the total population in 2015. The Philippines has one of the lowest rates of infection, yet has one of the fastest growing numbers of cases worldwide. The Philippines is one of seven countries with growth in number of cases of over 25% from 2001 to 2009. Cases are concentrated among men who have sex with men, and secondarily, among female sex worker. HIV cases among men having sex with men multiplied over 10 times since 2010. HIV cases are getting younger. The first case of HIV infection in the Philippines was reported in January 1984.



Bilangng may HIV saPilipinas, dumami: DOH

                Ikinabahala ng Kagawaran ng Kalusugan ang patuloy na paglobo ng mga naitatalang kaso ng HIV sa Pilipinas, na halos sa 27 ang bilang ng mga kasong naitatala kada araw. Ayon sa Department of Health HIV Registry of the Philippines, may 884 na bagong kaso ng HIV ang naitala noong Enero 2017 lamang. Ang talang ito ang pinakamarami sa loob ng isang buwan mula 1984, at mas mataas ng 5 porsiyento kumpara sa datos noong Enero 2016. Ayon sa mga awtoridad, nasa 96 porsiyento sa mga biktima ng HIV ay mga lalaki na karamihan ay 25 hanggang 35 taong gulang. Nasa 31 porsiyento naman ng mga biktima ang nasa edad na 15-24. Karamihan sa mga pasyente ay nagkaroon ng sakit dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki, habang ang iba naman ay nakuha ang sakit mula sa pakikigamit ng karayom sa pagtuturok ng iligal na droga. Samantala, 9 na buntis ang naitalang may HIV kaya may posibilidad na mahawa ang kanilang mga dinadalang sanggol. Ayon sa tala ng DOH, 3 na ang namatay mula sa HIV, habang 90 pasyente naman ang may roonng “full-blown AIDS”.



Dagdag pa ng DOH, sa taong 2016 ay may 9,264 na kaso ng HIV nanaitala. Sa buwan lamang ng Disyembre ay may 750 na kaso ang pinakamataas na naitala sa isang buwan sa buong kasaysayan ng bansa. Sa mahigit na 9,000 na kaso, 1,113 dito ay ganap na AIDS (naging isa nang lubos na sakit na dulot ng virus na HIV) at 439 ang namatay. Ang mga datos na ito ay nagpapakita na bagamat ang HIV AIDS ay bumababa na sa maraming bahagi ng mundo, itoy pataas parin ng pataas sa Pilipinas. At maraming doctor ang nagsasabi ang numerong 9,264 ay hindi pa ang kabuuan ng larawan sapagkat ang karamihan ay hindi nagagawan ng HIV testing.
Next
This is the most recent post.
Older Post
  • Blogger Comments
  • Facebook Comments

0 comments:

Post a Comment

Item Reviewed: DOH: Kaso ng HIV sa bansa tumaas Description: Rating: 5 Reviewed By: Blogman
Scroll to Top